Unang batch ng Johnsons and Johnsons COVID- 19 vaccine dumating na sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Dumating na kahapon sa lalawigan ng Camarines Norte ang nasa 3, 900 vials na unang batch ng Johnsons & Johnsons COVID- 19 vaccine.

Bahagi ito ng ng nasa 203, 800 doses na dumating sa rehiyon mahigit isang linggo na ang nakakalipas.

Ang pagdating ng bakuna at paglagak nito sa cold storage facility ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ay sinaksihan mismo ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Daet kay Dr. Francisco sinabi nito na nagkaroon ng training at orientation ang mga health workers patungkol sa pag administer ng naturang brand ng bakuna.

Pag may dumarating daw kasing bagong brand ng bakuna ay nagpapatawag ng virtual orientation and seminar ang Department of Health (DOH).

Bukod naman sa Johnsons & Johnsons kasabay na dumating din kahapon ang nasa 7, 320 vials ng Sinovac.

Ayon kay Francisco ang mga dumating na bakuna ay ituturok pa rin sa mga kabilang sa A2 at A3 priority groups o sa mga senior citizens at persons with co- morbidities.

Nang matanong kung kailan makakaka diretso sa sunod na priority group o A4, sinabi ni Francisco na ang PNP at Department of Education pa lang ang pinayagan.

May hinihintay ding Moderna vaccine ang probinsiya na gawa ng Amerika.

(Photos Courtesy: Dr. Arnel Francisco)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *