Local News

Unang batch ng Moderna at karagdagang Sinovac COVID- 19 vaccine dumating na sa Camarines Norte ngayong araw

CAMARINES NORTE – Dumating kaninang bago magtanghali ang unang batch ng Moderna COVID- 19 vaccine na nasa 160 vials o 1, 600 doses sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sakay ng ambulansya mula sa Department of Health (DOH) Regional Office diniretso ang mga bakuna sa cold storage facility ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na para pa rin sa A2 o senior citizens ang mga dumating na Moderna vaccine at  A3 priority group o ang mayroong mga co- morbidities.

Ayon kay Francisco nagkaroon ng Regional consultative meeting kahapon kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) kung saan napag usapan ang pag- extend sa susunod na priority group o A4 ang bakunahan.

Pero batay umano sa napag usapan pwede lang ito kung marami nang dumating na suplay ng bakuna.

Sa ngayon daw kasi ay nananatiling nasa “low risk status” ang Bicol Region kaya mas prioridad sa mga dumarating na suplay ang mga lugar na nasa “high risk.”

Maliban naman sa American manufactured COVID- 19 vaccine kasama ring dumating ngayong araw ang karagdagang 12, 050 vials ng Sinovac.

BNFM Daet

Recent Posts

Retro Fun Run, Isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Magsasagawa ng Retro Themed Neon Fun Run ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo. Ito ay bilang…

33 mins ago

Unang araw ng Car Free Sunday sa Maynila, naging matagumpay

Umarangkada na kahapon, May 12 ang unang araw ng dry run ng 'car-less Sunday' sa…

44 mins ago

BFAR Bicol, may paalala sa publiko kaugnay ng insidente ng pagkakalason sa Libon, Albay dahil sa pagkain ng ‘butete’

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol na hindi…

46 mins ago

2, arestado sa pagpapakalat ng pribadong video ng kanilang mga ex

Dalawang lalaki ang arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Pangasinan at Pasig dahil sa pagpapakalat…

49 mins ago

LGU Tiwi, Albay, magbibigay ng cash assistance kapalit ng bawat baboy na isinama sa depopulation kaugnay ng naitalang kaso ng ASF

LEGAZPI CITY - Magbibigay ng cash assistance ang lokal na pamahalaan ng Tiwi, Albay kapalit…

53 mins ago

Pagbaba sa poverty rate nitong 2018 sa Naga City, hindi dapat ikapanatag ng loob – NCPDO

NAGA CITY - "Hindi dapat na ikapanatag ng loob o maging kampante ang Pamahalaan, sa…

1 hour ago