Unang Interconnectivity of IT System sa lungsod ng Naga, inilunsad ng Land Transportation Office

NAGA CITY – Mas mapapadali na ang transaksyon. Ito ang sinabi ni Land Transportation Office Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II matapos ang ginanap na Launching of the Interconnectivity of IT System sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Naga at Land Transportation Office kahapon Marso 8.

Ayon kay Mendoza, hindi na kailangang magpunta sa opisina ng ahensya upang magbayad ang mga nahuling lumabag sa batas trapiko dahil sa makabagong sistema at pamamaraan. Kasunod din aniya ito ng utos ng pangulo na pagdigitalize ng serbisyo ng ahensya at pagdidisiplina sa mga drivers.

Pormal na ring naiturn-over ang mga unit sa LGU na gagamitin ng mga enforcer. Siniguro rin ng opisyal na handa ang ahensya sa usapin sa cyber security dahil sa naglipana ang mga hackers online. Aniya, kasama ang Department of Information and Communications Technology upang masiguro ang seguridad ng bawat isa.

Kung paulit ulit namang mahuhuli dahil sa mga bayolasyon, marerevoke at babawian ito ng lisensya sa pagmamaneho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *