Unang kaso ng Delta variant sa Soccsksargen, kinumpirma ng DOH 12

KORONADAL CITY- KINUMPIRMA ni Department of Health (DOH) 12 Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso ang unang kaso ng Delta variant sa rehiyon 12. Ayon kay Gangoso na ito ay nadetect sa isang residente ng Tacurong City, Sultan Kudarat batay sa resulta ng genome sequencing na ipinalabas ng Philippine Genome Center.

Ngunit ayon sa opisyal na ang naturang pasyente ay asymptomatic at idineklara nang recovered matapos na nakumpleto na nito ang kanyang quarantine at negatibo na rin sa repeat swab test.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng intensive surveillance at investigation ang city health office ng Tacurong at provincial health office ng Sultan Kudarat sa kung saan at paano ito nainfect ng Delta variant.

Sa kabila ng naitalang kaso ng COVID 19, nanawagan si Gangoso sa lahat na huwag magpanic, sa halip ay ipagpatuloy lamang ang striktong pagpapatupad ng minimum health protocols partikular ang pagsusuot ng face mask, face shield, at social distancing.

Hinihikayat din nito ang mga nasa priority groups na magpabakuna na. Sa mga may sintomas naman katulad ng ubo, sipon at lagnat, makipag-ugnayan lamang sa mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERTS). Ang Delta variant ay mas nakakahawa kumpara sa original SARS CoV-2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *