Unang kaso ng pagkamatay dulot ng dengue, naitala sa bayan ng Taytay, Palawan

Naitala ang unang kaso ng pagkamatay dahil sa kagat ng lamok o dengue ngayong taon sa bayan ng Taytay Palawan.

Ito rin ang unang kaso ng pagkamatay sa buong rehiyon ng MIMAROPA base sa tala ng Department of Health Center for Health Development MIMAROPA.

Ang bayan din ng Taytay ang may pinakaraming naitalang kaso ng dengue sa buong Palawan na mayroong 33 kaso na sinundan naman ng lungsod ng Puerto na mayroon lamang 14 na kaso, bayan ng Narra na may 13 na kaso, Roxas na may 12 na kaso at Bataraza na may 8 kaso.

Sa kabuoan, nakapagtala na ng 103 na kaso ng dengue ang lalawigan ng Palawan sa unang dalawang linggo ng taong 2024.

Kaugnay nito, patuloy ang pagpapaalala ng Provincial Department of Health Office ng Palawan na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran lalo na ang maaring bahayan ng mga lamok na posibleng pagmulan ng dengue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *