Pagiging ‘UNESCO Global Geopark’ ng Bohol, posibleng bawiin – mambabatas

Binigyang-diin ni Bohol 3rd District Representative Kristine Alexie Tutor na posibleng bawiin sa Bohol ang titulong pagiging UNESCO Global Geopark.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Tutor, sinabi nitong pinangangambahan nilang mawala ang naturang pagkilala kahit na kabibigay pa lamang nito noong 2023.

Paliwanag ng Kongresista, bukod sa katangian ng Chocolate Hills, isa pang factor kung bakit naging viral ang itinayong resort ay dahil sa pagpapahalaga sa pagkilalang binigay ng UNESCO.

Sa huli, iginiit ng Kongresista na kailangang maging mas responsable ng otoridad at ng publiko para mapanitili ang ganda at kaayusan sa Chocolate Hills.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *