Uniform personnel, guro at isang taong gulang na sanggol kabilang sa mga bagong nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Naitala kahapon ang 46 na bagong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito na ang pinakamataas na naitala simula nang magkaroon ng pandemya noong isang taon kung saan lahat ng bayan ay sabay- sabay na nagkaroon ng kaso sa loob lang ng isang araw.

Nalagpasan nito ang single day high na 45 cases noong Abril.

Sa bayan ng Basud, apat na bagong kaso ang naitala na kinabibilangan ng isang uniformed personnel, guro, at isang taong gulang na sanggol.

Ang uniformed personnel ay si Bicol No 12313, 41 anyos na babae mula sa Barangay Poblacion 1 at inaalam pa kung paano ito nahawa dahil wala itong travel history. Una siyang nakaramdam ng sintomas noong May 22.

Si Bicol No 12323 naman ay isang guro na taga Barangay Mocong, 28 anyos, babae. Siya ay close contact ng naunang kaso. Una itong nakaramdam ng sintomas noong May 17.

Ang dalawa pang bagong nagpositibo sa COVID- 19 na mula pa rin sa Barangay Mocong ay parehong close contact ng naunang kaso. Si Bicol No 12324, 35 anyos, babae at si Bicol No 12325 na isang taong gulang na lalake.

Asymptomatic  o walang naramdamang sintomas sina Bicol No 12324 at Bicol No 12325.

Ang mga ito ay nagpapagaling sa District II Temporary Treatment and Monitoring facility sa Vinzons at ang mga close contact  ay sumasailalim na sa quarantine procedure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *