International

United Kingdom sasanayin ang Ukrainian forces

Kinumpirma ni UK Prime Minister Boris Johnson na sasanayin nila ang Ukrainian forces.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Johnson sa surprised visit niya sa Ukraine capital city na Kyiv at pulong nila ni Ukraine President Volodymyr Zelensky.

Ang pagbisita ni Johnson sa Ukraine ay kapalit naman ng pag-atras nito sa conference sana kasama ang northern Tory MPs.

Kaugnay nito, sinabi ni Defense Secretary Ben Wallace na mahalaga ang biyahe ni Johnson sa Ukraine kung saan hindi nito inalintana ang pagkansela sa kanyang speaking engagement sa conference

Pero sa kabilang banda, sinabi ni Northern Powerhouse Partnership business group director Henri Murison na malaki ang nawalang oportunidad kay Johnson dahil kahit maganda ang misyon ng kanyang biyahe sa Ukraine, maari naman sana niya itong ginawa sa ibang panahon.

Ito na ang ikalawang pagbisita ni Johnson sa Ukraine simula nang lusubin ito ng Russia noong Pebrero 24.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago