‘Unity’ – solusyon sa kagutuman

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na hindi imposibleng maabot ang pangarap nitong “walang nagugutom” sa Pilipinas, kung magkakaisa ang bawat Pilipino.

Sa ginanap na alliance signing ng Partido Federal ng Pilipinas at Lakas-CMD kaninang umaga, naging sentro ng talumpati ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaisa para maabot ang minimithing Bagong Pilipinas.

Bagaman aminado ang Pangulo na malayo pa ang lalakbayin bago maisakatuparan ang kanyang pangarap para sa Pilipinas, naniniwala naman ito na kung itutuloy-tuloy ang pagkakaisa hindi lang hanggang election, mapapadali ang pag abot sa hangarin nitong walang nagugutom.

Anya kung titingnan ang tagumpay at pag unlad na nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na dalawang taon dahil sa unity ng bawat isa, tiwala syang marami pang Pilipinong matutulungan at marami pang pwedeng baguhin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *