Upward trend sa COVID-19 cases sa lungsod ng Legazpi, naobserbahan simula Enero

BICOL—Patuloy ang upward trend ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Legazpi.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, mula buwan ng Enero hanggang ngayong Hunyo ay papataas ang naging trend ng mga kaso ng sakit.

Nagsimula sa 31 noong Enero, naging 39 noong Pebrero, 34 noong Marso, 196 noong Abril, 382 nitong Mayo at higit 500 ngayong Hunyo.

Sa ngayon ay 945 ang aktibong kaso ng sakit sa lungsod base sa tala bg Department of Health (DOH) Bicol habang mayroon nang kabuuang 1,671 na kaso ng COVID-19 mula nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Kahapon, 28 na panibagong kaso na naman ang naitala sa lungsod ng Legazpi kung kaya patuloy ang panawagan ng LGU sa mga Legazpeño na sumunod sa mga health protocol at makiisa sa laban kontra COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *