Urban gardening, isinusulong

Namahagi ng mga agricultural products ang Agriculture Training Institute, Regional Training Center 2 sa hanay ng mga kapulisan sa 2nd Unit Isabela PMFC bilang pagsusulong ng Urban Gardening.

Pinagtibay pa ng dalawang ahensiya ang kanilang pagsasanib-pwersa sa pamamagitan ng signing of Memorandum of Agreement (MOA) na isinagawa kahapon, January 10, sa 2nd IPMFC Brgy. Alinam Cauayan City Isabela.

Kabilang sa mga produktong ibinagay ng ATI-RTC 2 ay ang mga ibat ibang klase ng binhi, abono, at mga gamit na kanilang kakailanganin para sa Urban Gardening.

Bukod sa mga produkto ay nagsagawa rin ang ATI-RTC 2 ng orientation lecture sa mga kapulisan.

Hangarin ng proyektong ito na bigyan ng kaalaman ang mga kapulisan sa mga tamang pagsasagawa ng model urban garden na gagawin naman sa bakanteng lote ng 2nd IPMFC.

Kaugnay nito, ang naturang partnership ay pinangunahan ni PLTCol. Avelino D Canceran Jr, ang Force Commander ng 2nd IPMFC at ni Imelda G Guillermo, ang Center Director ng ATI-RTC 2. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *