US-Asean Business Council, target palakasin ang defense posture sa Pilipinas sa gitna ng tensyon sa WPS

Target ng United States-Asean Business Council na palakasin ang defense posture sa Pilipinas sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Sa pagbisita ng grupo sa bansa sa pangunuguna ng Pangulo at CEO nito na si Ted Osius, nakipagpulong ang mga ito kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. upang i-explore ang mga potential areas of cooperation sa pagitan ng Maynila at Washington.

Kabilang sa mga proyektong iprinisinta ng US-ABAC delegation ay sa larangan ng cybersecurity, pension programs, healthcare coverage human papillomavirus (HPV) and pneumonia vaccines, time-sensitive shipment handling and delivery, advanced weather forecasting systems, technology and internet services, at sustainable energy sources.

Maaalalang kamakailan lang muling pinagtibay ni US Defense Secretary Lloyd Austin ang pangako ng US sa ilang dekada nitong kasunduan sa pagtatanggol sa Pilipinas kaugnay ng aggressive posturing ng China sa South China Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *