US, bibili ng 500-million doses ng Pfizer COVID vaccine para sa buong mundo ayon sa ilang ulat

Balak ng administrasyon ni US President Joe Biden na bumili ng 500-million doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine para ipamahagi ito sa iba’t-ibang mga bansa.

Base ito sa ulat ng US media kung saan ay sinabi na nagmula ang naturang impormasyon sa mga sources nito na pamilyar sa mga hakbang ng administrasyon.

Ibinalita ng Washington Post at ng New York Times na inaasahang gagawa ng formal announcement si Biden sa G-7 meeting sa Britain ngayong linggo.

Ginawa ng US ang naturang hakabang matapos ma-pressure ang gobyerno nito na gawan ng paraan ang global vaccine shortage, kung saan ay nakukuha ng mayayaman na bansa ang lion’s share ng mga naunang suplay.

Sa US palang ay nagawa na nito na mabakunahan ang higit sa kalahati ng buong populasyon nito na dahilan para bumagsak ang infection rate nito.

Una nang nagpahiwatig si Biden na meron itong announcement bago ang kanyang pagsakay sa Air Force One na papunta sa Britain para makipagpulong sa mga lider ng Group of 7 nations.

Samantala, base naman sa ulat ng The Times ay makakasama ni Biden si Pfizer CEO Albert Bourla para sa gagawin nitong announcement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *