US Citizen na driver patay sa aksidente sa Naga

NAGA CITY – Dead on arrival sa hospital ang isang US Citizen matapos ang aksidente sa kahabaan ng Almeda Highway sakop ng Barangay Concepcion Grande lungsod ng Naga.

Ayon sa ulat ng pulisya bandang 1:00 ng madaling araw nitong Enero 31, 2024 ng mangyari ang aksidente. Papatawid sana sa crossing ang truck na minamaneho ni Jomari Abella, 29 taong gulang residente ng Calamba, Laguna , aksidenteng bumangga ang motor sa road barrier at nakain ang linya ng truck hanggang sa nag head-on collision.

Kinilala ang biktima na si Michael David Pempsell, 36 taong gulang at pansamantalang naninirahan sa Cadlan Pili, Camarines Sur.

Posibleng kaharapin ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang drayber ng truck.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *