US gagamit ng commercial planes para sa evacuation sa Afghanistan

Gagamitin na din ng US ang commercial planes para makatulong sa evacuation ng mga tao mula sa Afghanistan.

Ayon sa Pentagon, nasa 16 aircraft ang gagamitin sa paghahakot ng tao patungo sa mga safe sites sa labas ng naturang bansa.

Kinumpirma ni US President Joe Biden kahapon na umabot na sa 28,000 na tao ang nailikas ng kanilang tropa.

Sinabi ni Biden na kasabay ng paglilikas sa mga tao ang sakit sa loob na naramdaman habang nakikita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga tao.

Una nang kinumpirma ng NATO official na nasa 20 tao ang namatay habang libu-libo ang mga nakapila sa labas ng Kabul airport.

Sa kabila nito, mas kalmado na umano ang sitwasyon sa Kabul kumpara sa mga nakalipas na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *