US nagdeklara ng travel ban laban sa India dahil sa COVID-19 surge

Nagdeklara ng travel ban laban sa India si US President Joe Biden sa gitna ng COVID-19 surge sa naturang bansa.

Epektibo sa May 4, bawal ang pagpasok ng mga non-US citizens sa America.

Ayon sa White House, ito ay base na din sa advice ng US Centers for Disease Control and Prevention bunsod ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID sa India.

Base sa report, one-third ng global COVID-19 cases ay mula sa India.

Matatandaan na noong Enero ay ipinatupad din ni Biden ang parehong ban sa mga biyahe mula sa South Africa dahil sa mga kaso ng COVID-19. (LEO-NAVARRO MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published.