US, naiulat ang 1-milyong bagong kaso ng COVID-19

Naitala ng US ang global daily record na one million COVID-19 cases noong Lunes, base sa datos ng Johns Hopkins University.

Ito ay sa gitna ng mabilis na pagkalat ng Omicron variant sa naturang bansa.

Kamakailan lang ay sinabi ng top US pandemic advisor na si Anthony Fauci na nakararanas ang bansa ng vertical increase sa COVID-19 cases.

Inaasahan niya na ilang linggo na lang ang bibilangin bago marating ng Amerika ang peak ng mga kaso.

Sa kabila nito ay higit na naging mas mababa ang bilang ng mga nasawi at hospitalization sa US sa mga nakalipas na linggo kumpara sa mga dating COVID-19 surges.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *