National

US Navy, nag-release ng funds para sa implementasyon ng US-PH EDCA

Inanunsyo ng commander ng US Indo-Pacific Command na si US admiral John Aquilino, na nag-release ito ng 12.5-million dollars para sa implementasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ayon kay Aquilino, gagamitin ang pondo para tuparin ang mga responsibilidad na naka-outline sa dating EDCA agreement.

Dagdag ng US admiral, nakalinya rin ang pondo sa “prioritized order of capabilities” na pinagkasunduan nila ni Armed Forces of the Philippines chief-of-staff General Jose Faustino Jr.

Sa ilalim ng EDCA ay inaasahan ang konstruksyon ng ilang pasilidad na magpapabuti sa interoperability o pagtutulungan ng mga tropa ng US at Pilipinas.

Layon rin nito na mapaghusay ang kapasidad ng armed forces, mapaigting ang external defense ng AFP, maisulong ang maritime security, at magamit para sa humanitarian assistance and disaster response (HADR).

BNFM Makati

Recent Posts

Cebu City Mayor Michael Rama gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension

Gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension si Cebu City Mayor Michael Rama sa…

8 hours ago

19-anyos nga misuway og layat sa Marcelo Fernan Bridge, na rescue

Nasalbar ang 19-anyos nga lalaki nga padung untang molayat kaganihang buntag sa Marcelo Fernan Bridge…

9 hours ago

Lalaki nga bag-ong laya sa bilanggoan, gipusil-patay

Patay diha dayon ang usa ka lalaki  nga kapin lang sa semana nga nakagawas sa…

10 hours ago

Security plan sa Kaadlawan sang Roxas, plastado na

Plastado na ang igapatuman nga security plan kag traffic scheme nga ginhikutar sang Roxas City…

10 hours ago

Relokasyon, sigaw ng mga residente na apektado ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum

Humihiling ang mga residente ng Capitol Compound na naapektohan ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum na…

10 hours ago

Lolo sang napatay nga menor, indi mabaton ang natabo sa iya apo

Indi sa gihapon mabaton sang pamilya ni "Dodong" ilabi na ang iya nga lolo nga…

10 hours ago