Local News

Mga maliliit na negosyo hinimok ng DTI na magparehistro

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Department of Trade and Industry ang mga maliliit na negosyo tulad ng mga Mobile Vendors sa Bagasbas na magparehistro at gawing legit ang kanilang negosyo.

Sa isinagawang virtual Talakayan sa PIA kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Consumer Protection Month, ipinaliwanag ni Alvin Sayno, Head ng Consumer Protection Division ng DTI Camarines Norte ang kahalagahan at mga benepsiyo kung rehistrado ang ang isang negosyo.

Aniya maaaring ma- avail ng mga maliliit na negosyante ang programang Barangay Micro Business Enterprise o BMBE.

Sa ilalim nito ang mga negosyong mayroong capital na mas mababa sa P3 milyon ay makaka- qualify sa income tax holiday ng Bureau of Internal Revenue.

Maaari umanong mag apply para sa BMBE sa DTI kasabay ng pag apply ng business name para mabigyan ng Certificate of Authority.

Ito naman ang dadalhin sa BIR para mag apply ng exemption for income tax sa loob ng dalawang taon.

Nangangahulugan umano ito na  legit na at kumikita pa ang negosyo nang hindi kailangang magbayad ng income tax sa loob ng dalawang taon at maaari ding i- renew.

Pwede rin umanong mag apply sa Department of Labor and Employment ng minimum wage exemption gamit ang BMBE authority.

BNFM Daet

Recent Posts

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

11 mins ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

13 mins ago

Political amendment sa Saligang Batas, malaki ang maitutulong sa paglaban sa gutom – senador

Binigyang-diin ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Chairperson, Senador Robin Padilla…

18 mins ago

China, hinamon ng isang kongresista na tumupad sa kasunduan sa Amerika para umiwas sa “miscalculations”

Ikinalugod ni Cagayan De Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez ang pangako ni US…

24 mins ago

GenSan dili pa makadeklara og ‘state of calamity’ dungan sa nasinatiang El Niño

WALA nakita sa mga opisyal ang pagpailawom sa GenSan sa state of calamity luyo sa…

27 mins ago

Pagpangawat sa menor de edad, sapon sa CCTV

DAKPAN ang menor de edad nga lalaki human na-track ang lokasyon sa usa ka cellphone…

29 mins ago