US Pres. Biden, planong baguhin ang stratehiya upang malutas ang student loans sa US

Bibigyang diin ni US President Joe Biden ang kanyang bagong plano upang mapagaan ang loan debt ng mga estudyanteng Amerikano.

Ito ang isa sa mga diskarte ni Biden matapos makapagtala ng mababang primary voting laban kay Donald Trump para sa eleksyon.

Nakatakdang ihayag ni Biden ang isang plano na sinimulan ng US Department of Education sa Madison, ang liberal na kabisera ng estado at tahanan ng flagship campus ng University of Wisconsin.

Nananatiling mahalagang isyu ang student loans sa Amerika, na maaring makatulong kay President Biden na muling manalo sa susunod na halalan sa Nobyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *