US President Biden, nakipagpulong sa pamilya ni Alexie Navalny

Naging emosyonal ang pakikipagpulong ni US President Joe Biden sa biyuda at anak na babae ni Alexei Navalny na si Yulia at Dasha Navalny.

Tiniyak ng Pangulo sa dalawa na naghahanda na ang kanilang administrasyon na maglabas ng mga bagong parusa laban sa Russia sa pagkamatay ng pinuno ng oposisyon.

Suportado rin aniya ng White House ang pakikipaglaban ng pamilya para makuha ang bangkay ni Nalavny.

Maalalang tinanggihna ang mga awtoridad ng Russia na palayain at ibigay ang bangkay ni Alexie Navalny matapos itong mamatay sa isang kulungan sa Arctic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *