USAID, handang tumulong sa aerial suppresion operations sa forest fire sa Benguet

Handang tumulong ang United States Agency for International Development o USAID sa aerial suppresion operations ng mga otoridad sa forest fire sa Benguet.

Ayon sa Office of Civil Defense-Cordillera, aktibo ang USAID sa pagbibigay ng istratehiya na may kinalaman sa paggamit ng heli buckets para sa pag-apula ng forest fire.

Tiniyak umano ng grupo mula sa Estados Unidos na handa sila sa anumang kapasidad na tumulong operasyon maging ito man ay sa pagpapagamit ng kanilang resources.

Nabatid na tuloy-tuloy ang heli bucket operations katuwang ang Philippine Air Force para maapula ang sunog sa kabundukan ng Itogon at Bokod Benguet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *