Problema sa nutrisyon sa isang paaralan sa Naga, tutugunan

NAGA CITY – Nutrisyon ng mga kabataan ang pinakaimportante upang makasabay sa eskwela at maging angat.

Sa Rosario V. Maramba Elementary School, ito ang isa sa pangunahing problema ng paaralan partikular na ng mga estudyante dahil na rin sa limitado ang pondo. Bagama’t nagseserve ng pagkain hindi pa rin sapat, kaya nais din masiguro na maayos at healthy ang mga pagkain.

Kabuohang 1,041 mga estudyante ang nakaenroll sa naturang eskwelahan, 261 dito ay kabilang sa severely wasted at wasted pupils batay ito sa weighing, pero naniniwala ito na higit pa sa naturang bilang ang may usapin sa kalusugan ng mga bata.

Para kay School Principal Grace Orbeta ng RV Maramba Elementary School, malaking hamon bilang head ng paaralan pati sa mga guro na masigurong hindi nagugutom ang kanilang mga mag-aaral, pero isang kagaanan ang pagkakaroon ng Nutrition Building sa eskwelahan.

Samantala kahapon ginanap ang Groundbreaking Ceremony ng naturang itatayong istraktura sagot sa problema ng mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *