Usaping basura, muling hiningi ang tulong ng mga Barangay Opisyal sa Naga City ng CSWMO

NAGA CITY – May mga residente na naman sa Naga City ang parang nakakalimot sa paghihiwalay-walay o segration ng mga basura lalo na ang mga nakatira sa malalayo tulad ng sa upper barangay, batay sa reklamo ng ilang mga personahe ng Solid Waste Management Office at ng mga street sweepers.

Kaugnay nito, muling hiningi ni Engr Joel Martin, Head ng SWMO ang tulong ng bawat barangay opisyal na dapatdmaging katuwang nila sa pagpaalala sa kanilang mga residente ng tamang pagtrato ng basura pati na rin sa City Ordinance hinggil sa No Segregation Policy.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Martin, sinabi niyang delikado ang basurang halo-halo lalo kung may mga basag na bote na delikado naman lalo na sa mga bata, o kahit sa kanilang mga kolektor ng basura.

Bukod diyan may mga basurang nagkalat pa rin sa kalsada, palatandaan na hindi rin sumusunod sa tamang schedule ng pag-tatapon ng basura, ang mga residente, kaya dapat umaksyon na rin ang mga barangay opisyal.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *