Business

Utang ng bansa, lumobo na sa P12.79 Trillion

Naitala sa panibagong record high ang outstanding debt o utang ng Pilipinas na pumalo sa P12.79 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo ngayong taon.

Sa datos ng Bureau of Treasury, umabot sa P296.06 billion ang itinaas pa ng utang ng gobyerno.

Katumbas ito ng 2.4 percent ng utang panloob at panlabas mula sa tinatawag na total debt stock.

Sa nasabing halaga ng utang, 68.5 percent dito ay domestic habang 31.5 percent naman ang external debt.

Mababatid na sa pagtatapos ng buwan ng Abril ay pumalo nasa P12.68 trillion na ang utang ng Pilipinas.

Malaking halaga sa nasabing utang na ito ng ay nagmula pa rin sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Mababatid na bilyong piso ang inutang ng gobyerno na ginamit pantugon sa COVID-19 pandemic.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Cedric Lee, aapela sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro

Aapela raw sa Court of Appeals ang negosyanteng si Cedric Lee kaugnay ng hatol na…

30 mins ago

Pangha-harass ng China sa Pilipinas sa WPS, hindi matitigil – maritime law expert

Naniniwala si Maritime Law Expert Atty. Jay Batongbacal na hindi matitigil ang ginagawang karahasan ng…

44 mins ago

Rider, bumangga sa niyog -patay

Patay ang isang 34-anyos na si Romulo Lapore Jr. nang bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo…

55 mins ago

NICA: malaking hamon ang pagtukoy kung saang bansa galing ang gumawa ng deepfake audio ni PBBM

Aminado ang National Intelligence Coordinating Agency o NICA na malaking hamon sa kanila ang pagtukoy…

57 mins ago

‘Stark Law’ maaring i-adapt sa bansa para sa mga papasok sa multi-level marketing scheme

Ipinunto ni Senador Raffy Tulfo na hanggang sa ngayon ay wala pa ring naipapasang batas…

1 hour ago

Mga sakahan sa Camarines Sur, nag-aagawan ng tubig sa irigasyon

CAMARINES SUR – Nangyayari na ang senaryong agawan ng tubig sa mga  irrigation canal sa…

1 hour ago