Utos ni Xi Jinping na maghanda sa posibleng conflict, hindi na bago ayon kay PBBM

Hindi na bago para kay Pangulong Bongbong Marcos ang naging statement kamakailan ni Chinese President Xi Jinping kung saan pinaghahanda nya ang kanyang hukbo sa posibleng military conflict sa karagatan.

Sa Kapihan with the media sa Berlin, sinabi ng Pangulo na hindi na sya nasorpresa sa pahayag ng Chinese leader dahil ito anya ang polisiya ng China sa nakalipas na ilang taon.

Binigyang diin ng Pangulo na patuloy ring gagawin ng bansa ang lahat ng makakaya upang ipagtanggol ang ating maritime territory.

Lalo na’t kinikilala ng international community ang maritime territory ng bansa lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea.

==========

Target ng PhilHealth mag-offer ng libreng mammography at ultrasound screening services na makatutulong para ma-detect ang breast cancer.

Ayon sa DOH, tumugon ang Philhealth sa panawagan ni Health Secretary Ted Herbosa na palawakin pa ang primary care benefits sa ilalim ng Konsulta package, at magsama ng ultrasound at mammogram services.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *