Uwian Program ng OWWA Region 2 para sa mga ROFs, nagpapatuloy

Nagpapatuloy pa rin ang Uwian Program ng OWWA Region 2 sa mga Overseas Filipino Workers para makauwi sa kanilang mga bayan at syudad sa bansa.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay OIC Regional Director ng OWWA Region 2 Juvilyn Anns Gumabay, sinabi niya na mahigit 24,000 na mga OFW ang napauwi sa kanilang mga LGUs simula noong May 2020 hanggang May 31, 2021.

Aniya, ito ay programa ng ahensya para matulungang makauwi ang mga distressed OFWs sa kanilang LGUs kung saan ipinapatupad na ang bagong quarantine protocols.

Pagdating ng naturang OFW sa bansa ay didiretso ito sa inilaang hotel o quarantine facility sa Manila kung saan sa ika-7 araw ay isasailalim ito sa swab testing.

Lalabas ang resulta sa ika-9 na araw at kapag negatibo ang resulta sa ika-10 na araw ay maari na siyang i-endorso upang pauwiin sa kaniyang LGU at ang natitirang apat na araw ay nakadepende na sa LGU kung saan ika-quarantine.

Sinabi rin ni RD Gumabay na may mga umuuwi na ring mga OFW na nakatanggap na ng kanilang bakuna kontra COVID-19 sa bansa kung saan sila galing.

Kaugnay nito ay niliniw ni RD Gumabay na walang pagkakaiba o pareho lamang ang protocols na ipinapatupad para sa mga umuuwing OFWs kahit na nakatanggap na ng bakuna.

Maliban dito ay tuloy-tuloy din ang kanilang pagtanggap ng aplikasyon para sa DOLE AKAP kung saan maaring makatangggap ng one-time cash assistance na 10,000 pesos ang mga displaced OFWs dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa katunayan aniya ay umabot na sa 13,450 na mga OFWs sa buong rehiyon ang nakakuha ng naturang ayuda.

Maari lamang mag-apply online sa website na dole-akap.owwa.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *