Vaccination Drive-thru inilunsad ng SBMA kahapon

SBFZ- Inilunsad kahapon ng Subic Bay Metropolitan Authority ang kauna-unahang Vaccination Drive-Thru pilot test nito.

Karamihan sa mga recipients ng vaccination ay mga senior citizen na nahihirapang magkaroon ng access sa mga pasilidad sa loob ng vaccination site.

Mayroong nakatalagang isang doctor at dalawang medical staff sa lugar para sa drive-thru vaccination.

Isa ito sa paraan ng SBMA para matulungan ang gobyerno na mapalawak ang kampanya sa pagbabakuna kontra covid-19.

Samantala ang drive-thru vaccination ay ginawa sa may gilid ng Subic Gym.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Chair & Administrator

No photo description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *