Vaccine czar: Pagsusuot ng face shield posibleng tanggalin, kapag…

Nakikita ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na posibleng ang pagtanggal sa pagsusuot ng faceshield sa oras na mabakunahan na ang 110-million na populasyon sa bansa laban sa coronavirus.

Nabatid na batay sa datos ng Department of Health as of June 6, mahigit isang milyong Pilipino pa lang ang nababakunahan.

Giit ni Galvez, nakakatulong kasi ang pagsusuot ng face shields para pigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Dahil dito, inirerekomenda ng vaccine czar na gamitin pa rin natin ang face shields hanggang sa dumating ang oras na sabihin ng mga eksperto na panahon na para tanggalin ang ilang restrictions sa pag-gamit ng face shields. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *