Vaccine recipients, hindi dapat pinag-hihintay sa pila – Duterte

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units na huwag nang papilain ang mga vaccine recepients sa loob ng mahabang oras.

Sinabi ng Punony Ehekutibo na lalo lang nae-expose ang mga tao sa mas marami pang sakit kung tatagal ang mga ito sa pila.

Kagabi sa weekly briefing ng Pangulo ay inutusan niya ang LGUs na gumamit ng mga teknolohiya at iba pang advanced approaches na magtitiyak na epektibo ang implementasyon sa vaccination.

Ipinunto ng Pangulo na may listahan na dapat ng mga tao ang mga barangay, at dapat ay sila na ang nagbibigay sa mga residente nito ng numero at oras para hindi na sila pumila.

Samantala, inatasan naman ng Pangulo ang mga barangay captains na arestuhin ang mga may-ari ng resorts na pumapayag ng mass gatherings sa kanilang mga establishimyento.

Kasabay nito ay ipinaalala niya sa mga lokal na opisyal na mandato nila na ipatupad ang safety protocols laban sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *