‘Values transformation program’ para sa mga manggagawa ng BOC, bahagi ng kanilang modernisasyon

Bahagi ng modernisasyon sa mga pasilidad at serbisyo ng Bureau of Customs (BOC) ang pagsasagawa ng “values transformation program” para sa kanilang mga bagong empleyado.

Ayon kay BOC Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, layunin ng nasabing programa na i-check ang integridad ng isang empleyado at matuto sa bagong pagpapatakbo ng ahensiya.

Bukod dito, sinabi ni Maronilla na ang Philippine Customs Modernization, bilang kanilang main project ay pinondohan ng World Bank na nagkakahalaga ng 80 million dollars kasama ang counter-part funding ng gobyerno.

Iginiit niya na bago pa man magsimula ang naturang project noong nakaraang taon sa buwan ng Hunyo, ay sinimulan na nila ang kanilang system automation kung saan 82% na ng internal process ang natapos.

Samantala, target na matapos ang nasabing proyekto sa 2023 at sa 2025 naman ang remote image analysis centers na ilalagay sa ibat-ibang lugar kabilang na ang central unit x-rays. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *