VAWC Desk sa Naga City mas palalakasin pa sa malalayong barangay lalo na sa pag rescue ng mga biktima ng pang-aabuso

NAGA CITY – May mga nangyayari pa ring paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children sa Naga City,  ito’y sa kabila ng mga pagpapatupad ng mga ordinansa na nangangalaga sa mga bata at mga kababaihan, lalo na sa upper barangay ng lungsod.

Kaugnay nito, inihayag sa Brigada News FM Naga ni Eden San Andres, CSWDO focal person ng Barangay VAWC Desk, na muli silang nagkaroon ng pag-meeting sa 27 Barangay VAWC representative, Committee Chair on Women, City Councilor Gayle Abonal Gomez at napag-usapan ang mga magiging hakbang pa sa pagbibigay ng solusyon at pagbibigay ng tamang penalidad sa mga “abusers”.   

Pinakahuling naitala at na rescue ng City Social Welfare and Development Office ay ang pag-aaway ng mag-asawang pareho pang bata, menor de edad at nasa 20 taon naman ang isa na nag ugat sa selos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *