Vehicular accident sa Naga City, nitong Semana Santa, nabawasan

NAGA CITY – Nabawasan ang vehicular accident o aksidente sa kalsada sa Naga City, nitong kakatapos pa lamang ng Semana Santa 2024.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Ernesto Elcamel, Head ng Naga City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nakapagtala lamang ng nasa 20 aksidente sa kalsada sa lungsod base sa kanilang mga pagrespunde, ito ay dahil sa pagpapalakas ng paglatag ng mga personahe at joint operation sa mga emergency response, kasama ang Naga City Police Office, at ilan pang ahensya.

Pagdating naman sa medikal na aspeto, siyam ang naitalang narespundehan na kadalasan nakaranas ng heat stress ang mga pasyente at posibleng heat stroke ang iba dahil sa sobrang init ng panahon.

Kung saan paalala na rin ng opisyal na kung lalabas siguraduhing may proteksyon laban sa init at magbaon ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *