Vehicular incidents sa first quarter ng taon sa Naga City, bumaba – NCPO

NAGA CITY – 470 na ang naitalang vehicular incidents ng Naga City Police Office, ngayong first quarter ng taong 2024, masasabing bumaba kung ikukumpara sa naging kabuoang datus noong 2023 na nasa 1,705.

Kung saan reckless imprudence resulting damage to property ang kadalasang kaso na may 313 nitong taon at reckless imprudence resulting in multiple physical injuries naman ang may mababang kaso na nasa lima.

Sa panayam kay PSSg Roberto Aguillon, Assistant Public Information Officer, naging malaki ang tulong ng one time big time operation, motorists assistance at police presence at visibility sa pagbaba ng mga aksidente sa lungsod, lalo na’t hindi maiiwasang marami pa rin ang pasaway at hindi sumusunod sa batas trapiko.

Base din sa datus, 459 na ang nasusolusyonan ang kaso o hindi na nagsampa ng kaso, habang 461 naman ang cleared na ang kaso o mga nagsampa.

Ayon pa sa opisyal, bagamat may pagbaba, kailangan pa rin ang maigting na pagpapatupad o implementayon sa batas trapiko, kagaya ng mga training at seminar sa mga drivers, karagdagang outpost upang maiwasan din ang reklamo ng tao. Muli paalala nito sa mga motorista na maging responsible at iwasang maging mainitin ang ulo gayong mainit pa ang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *