Velasco at ilang mambabatas nagpa-abot ng pagbati sa kaarawan ni Mayor Inday

Nagpaabot ng pagbati ang liderato ng Kamara para sa ika-43 taong kaarawan ni presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sarah Duterte Carpio.

Sa isang kalatas na may lagda ni House Speaker Lord Allan Velasco at ilang mga miyembro ng mababang kapulungan inihayag ng mga ito ang kanilang suporta sa Alkalde para sa walang sawa nitong paglilingkod at pagpapaunlad sa bayan.

Kabilang na dito ay sina Mindoro Congressmen Doy Leachon, Alfonso Umali, at Josephine Ramirez-Sato, Palawan Representatives Franz Alvarez, Beng Abueg-Zaldivar, Gil Acosta, at Romblon Rep. Jesus Madrona.

Samantala sa hiwalay na post ni Velasco sa kanyang facebook post, inihalintulad nito si Mayor Sarah bilang agila na maingat at mapagmasid umanong binabantayan ang kanyang lalawigan, at laging handang umaksyon at ipagtanggol ang kanyang mga inaalagaan.

Tila may pahiwatig din ang House Speaker sa pagsabing lilipad na ang Agila.

Nabatid na si Mayor Inday ang nangunguna sa mga surveys na isinasagawa ng ilang independent groups kaugnay sa posibleng maging presidentiables sa 2022 Elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *