Vendor, sinaksak sa San Antonio, Quezon

Sugatan ang isang tindero matapos itong saksakin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Sampaguita, San Antonio, Quezon nitong Linggo, Marso 31.

Ayon sa report, pumasok umano ang 27-anyos na suspek sa bahay ng biktima saka ito sinaksak gamit ang dala nitong kutsilyo.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente subalit naaresto rin ito kalaunan habang ang biktima naman ay isinugod sa hospital at kasalukuyang nagpapagaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *