Venues na gagamitin sa Palarong Bicol ’24, inihahanda na ng Legazpi City SDO

LEGAZPI CITY – Inihahanda na ng Legazpi City Schools Division Office ang mga lugar o venue na gagamitin ng mga lalahok na atleta mula sa iba’t ibang mga paaralan o lalawigan sa Palarong Bicol 2024 sa lungsod.

Ayon kay Francisco Dexter Sison, Legazpi City Sports Coordinator, nakailang beses nang nag-host ang lungsod sa Palarong Bicol kaya’t alam na rin nila ang mga gagawin gayundin ang mga pangangailangan ng mga atleta.

Aniya, ang bawat distrito sa Albay ay maroong venue na gagamitin ngunit mas marami sa Legazpi City kaya’t inaayos na rin ito upang hindi na umano magkaroon pa ng problema sa pagbubukas ng palaro.

Sa ngayon ay nagsasagawa umano sila ng monitoring at inspeksyon sa mga venues upang matiyak na nasaayos na gagamitin na mga athleta at maiwasan ang anuman na aksidente sa Palaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *