Venus Raj, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Ikinasal na ang Miss Universe 2010 fourth-runner up Venus Raj sa kanyang non-showbiz boyfriend na si North Orillan.

Matapos ang walong taong niyang pagiging single, para kay Venus ‘there is a blessing in waiting.’

Ayon kay Venus, ipinalangin nito sa Panginoon na protektahan ang kanyang puso hanggang sa mahanap ang lalaking inilaan para sa kanya.

Caption pa ng beauty queen sa kanyang Instagram post, ‘Today is the day, that the Lord has made 2.12.23.’

Payo ni Venus sa mga single, nakikinig ang Panginoon sa inyong dasal pero maaaring sagot ay ‘wait, yes, o no.’

Aniya, trust His process.

PHOTO COURTESY: Team Pat Dy (INSTAGRAM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *