Vhong Navarro, nakalaya na matapos makapag bail ng 1 milyon

Nakalaya na matapos makapag piyansa ang actor-host na si Vhong Navarro pagkatapos ng halos tatlong buwang pagkakakulong kaugnay sa dati nang na-dismiss at ngayon ay muling binuhay na kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

READ MORE:

Si Navarro ay nakulong sa National Bureau of Investigation ng dalawang buwan bago siya inilipat sa Taguig City Jail kung saan siya nanatili ng mahigit dalawang linggo.

Pinagbigyan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang  kampo ni Navarro na makapagpiyansa  P1 milyon piso.

Bandang alas-6 ng gabi kagabi nakalaya si Navarro sa Taguig City Jail matapos magpiyansa.

Plano ng TV host na bumalik sa ‘It’s Showtime’ pagkatapos magpahinga kasama ang pamilya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *