Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k

Ipinaayos ni Vice Ganda ang kanyang ngipin na nagkakahalaga ng P500,000.

Ang buong proseso nito, ay ipinakita ni Vice sa kanyang YouTube channel.

Mismong ang private dentist nito na si Dr. Ralph delas Alas ang nagsabing nasa kalahating milyon ang presyo ng dental procedures na ginawa niya kay Vice.

Biro naman ng noontime host na kapag nabuo naman daw ito ay isang milyong halaga ng smile naman ito.

Ang naturang doktor din ang nag-ayos sa ngipin ng partner ng TV host na si Ion Perez.

Marami namang netizens ang masaya para kay Vice at sinabing deserve nito ang big smile, dahil may big heart naman daw ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *