Vice Ganda, nakipag-bonding kasama ang viral kid si Lian

Naalala niyo pa ba ang nag-viral na bata matapos nitong matuwa sa libreng face paint?

Sinong mag-aakala na makakasama niya na ngayon si Vice Ganda matapos nitong paantigin ang puso ng Unkabagobol box-office star.

Nakasama ng batang si Lian si Vice, pati na rin ang mga child stars na sina Jace, Kulot, Kelsey, Argus, at Imogen sa isang amusement park.

Ayon kay Vice, masaya siyang masaksihan ang mga ngiti ni Lian dahil aniya, malayong-malayo ito sa emosyong naunang nakita niya sa viral video.

Dahil dito, binigyan ni Vice ang bata ng school supplies, mga baon sa school, TV, bagong bike, at scholarship para sa kanyang pag-aaral mula elementary hanggang high school.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *