Vice presidential candidates, binatikos ang pagliban ng ilang aspirants mula sa Comelec debates

Binatikos ng maraming vice presidential candidates si Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa pagliban nito sa debate na inorganisa ng Commission on Elections at sa halip ay nagpatuloy sa pangangampanya.

Nagdesisyon rin si Sara, na nangunguna sa vice presidential surveys noong umpisa pa lang ng kampanya, na huwag dumalo sa vice presidential debate ng isang news station noong Pebrero.

Kinumpara ni Senator Francis Pangilinan ang pagliban ni Sara sa debate sa mga manliligaw na hindi nagpepresenta ng sarili sa mga magulang ng babae na kanilang nililigawan.

Nakiusap naman si Professor Walden Bello sa Comelec na higpitan ang penalty nito laban kina Sara at sa running mate nito na si Senator Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga debate.

Tinawag rin ni Bello bilang “jokers” sina Sara at Marcos.

Iginiit naman ni pro-life advocate Rizalito David na dapat ay umattend si Sara sa mga debate upang marinig naman ng publiko ang mga paniniwala nito sa iba’t-ibang isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *