Inaprubahan ng gobyerno ng Vietnam ang pagbuo sa special fund para sa kampanya ng bansa na magkaroon ng epektibong vaccination program laban sa COVID-19.
Ito ay sa gitna ng patuloy na paglaban ng naturang bansa sa pinakamalaking COVID-19 outbreak na naranasan nito.
Sinabi ng Vietnam government na gagamitin ang pondo sa procurement, production, at paggamit ng mga bakuna.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2021/05/15-1-1024x1024.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Hindi naman binanggit ng Vietnam kung gaano kalaki ang nasabing pondo, ngunit inihayag ng Finance Ministry noong nakaraang linggo na plano ng Vietnam na maglaan ng 1.1-million dollars para makapag-acquire ng 150-million COVID-19 vaccine doses para sa kanilang populasyon.
Nitong Miyerkules ay naiulat ng Ministry of Health ang 235 na bagong COVID-19 infections, na dahilan ng pagtaas ng kabuoang bilang ng mga kaso sa Vietnam sa 6,086 kabilang na ang 45 nasawi.