Village chief nababahala sa nangyaring harassment sa mga residente sa Brgy. Ambolodto, Datu Odin Sinsuat

Umaasa si Village Chief Loay Keith Sinsuat ng Barangay Ambolodto, Munisipalidad ng Datu Odin Sinsuat na maipalaganap ang kamalayan sa karahasan at takot na nangyari sa kanyang barangay bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ay upang ipaalam sa mas mataas na tanggapan at sa publiko ang tungkol sa ganitong gawain ng terorismo na dulot ng pulitika na malaking epekto sa normal na pamumuhay ng kanilang mga nasasakupan.

Sa liham na apela ni Sinsuat kay Municipal Commission on Elections (Comelec) Election Officer Jeffrey Lala at kay Municipal Administrator Datu Esreal Sinsuat noong Oktubre 26, may nangyaring harassment sa mga indibidwal sa kanilang Barangay.

Sinabi ni Sinsuat na ang patuloy na paggigiit at pagtatangka ng mga indibidwal na ito sa mga Barangay ay nakakagambala sa pang-araw-araw na buhay ng mga residente kabilang ang pag-aaral ng kanilang mga anak, bukod sa iba pang aspeto.

Dagdag pa sa Village Chief na noong October 24, 2023, may dalawang pick-up trucks na kumukuha ng videos sa mga bahay na siyang ikinabahala at nagdudulot nga pagkataranta sa mga residente na naging dahilan upang sila ay muling umalis mula sa kanilang tahanan.

Noong October 26, 2023, alas- 11:00 ng umaga ay may isang grupo ang dumating sa Sitio Baloi at hinaras ang mga residente.

Ayon kay Sinsuat na paglabag ito sa kasunduan sa dinaluhang dayalogo ng iba’t ibang departamento ng gobyerno, PNP, at AFP kaugnay ng BSKE elections.

Nakikiusab si Sinsuat sa mga awtoridad na naroroon sa nasabing diyalogo na pilitin ang mga indibidwal sa likod ng pananakot na igalang ang kasunduan habang umaapela sa Election Officer na tingnan ang mga posibleng paglabag na nagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *