Virtual attendance ni Quiboloy, papayagan daw sa isang kondisyon

Nilinaw ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Senadora Risa Hontiveros na handa siyang payagan si Pastor Apollo Quiboloy na maghain ng deposition o dumalo virtually sa darating na pagdinig sa March 5.

Ito ay matapos banggitin ni Quiboloy sa kanyang voice message na may panganib sa kanyang buhay at wala na siyang constitutional rights dahil sa pag-monitor sa kanya ng Central Intelligence Agency (CIA) at Federal Bureau of Investigation (FBI).

Ayon kay Hontiveros, bagamat may posibilidad na payagan niya ito ay dapat muna itong magpakita ng paggalang sa subpoena na kanilang inilabas mula sa Senado.

Maliban pa roon, bilang anak umano ng Diyos ay dapat humarap muna ito sa komite bago manghingi ng mga posibleng arrangement tulad nito.

Maalala, una ng binigyang-diin ni Quiboloy na hindi niya kailanman rerespetuhin ang institusyon ng Senado katulad ng ‘di umano pagrespeto ng mga ito sa kanyang constitutional right.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *