VISCOM, nakatutok sa seguridad ng Special Election sa Negros Oriental

Matapos ang matagumpay na Barangay at Sangguniang Kabataan Election, sunod na tututukan ngayon ng Visayas Command o VISCOM ang seguridad sa nalalapit na pagdaraos ng special election sa ikatlong distrito ng Negros Oriental.

Alinsunod sa COMELEC Resolution No. 10945, ang paghahain ng certificate of candidacy ay nagsimula na kahapon November 6 na magtatagal hanggang November 8, 2023.

Matapos ang panahon ng COC filing, magsisimula ang campaign period mula November 09 hanggang December 07, dahil ang araw ng halalan ay nakatakda sa Dcember 09.

Ayon kay VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, inilalatag na ang mga guidelines na susundin sa pagdaraos ng eleksyon upang maiayon ito sa kailang security plans.

Ang pagsasagawa ng specials election sa Negros Oriental ay matapos ideklara ng House of Representatives na bakante ang position ng kinatawan sa naturang distrito matapos patalsikin bilang kongresista si Arnulfo Teves Jr. na iniuugnay naman sa pagptay kay Gov. Roel Degamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *