Visitor’s pass ire-require na kapag papasok sa DepEd Camarines Norte simula Hunyo 1

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education (DepEd) Camarines Norte na ire-require na ang Visitor’s pass pagpasok sa Schools Division Office simula Hunyo 1.

Hindi naman umano ito maituturing na pagbabago dahil dati na rin naman itong ginagawa kahit sa panahon ng mga dating pamunuan nito.

Sa panayam ng Brigada News FM-Daet sinabi ni Division Information Officer Antonio Ahmad na layon ng pagpapatupad ng ganitong polisiya na paigtingin ang seguridad sa opisina.

Hindi umano ito ginawa noong kasagsagan ng pandemya sa panahon ni dating Schools Division Superintendent Nympha Guemo dahil isa ito sa nakitang posibleng maging dahilan ng hawaan ng virus.

Pero ngayong bumabalik na umano ang lahat sa normal at sa ilalim ng bagong liderato sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla ay marapat lamang aniya na ipatupad na ito uli.

“Yung pagbigay natin ng visitor’s pass makikusap tayo sa ating mga stakeholders na hindi ito kailangan isipin na binabawasan natin ang koneksyon o binabawasan natin yun, o pinaliliit natin yung gateway natin to come with us,” ani Ahmad.

Ginagawa lang natin yan para at least ma- track natin kung ano mang nangyayari, that is a prudent process para at least anytime kasi kung mapapansin natin lahat kami ay steward ng government property, stewards tayo ng office so this is a prudent way of exercising our stewardship.”

Bukod dito nais din umanong palakasin ng DepEd ang feedback mechanism mula sa mga stakeholders

Maliban sa pag-require ng Visitor’s pass maghihigpit rin ang DepEd sa pagpapagamit ng Eco-Athletic field at mga pasilidad nito.

Paliwanag ni Ahmad na hindi ito nangangahulugan na ipagkakait ang pagpapagamit nito sa mga stakeholder kundi kailangan lang mag- request at maging maayos ang paggamit.

Ito umano ay government property at hindi naman nagre-require ng bayad pero kailangan na kung ano ang itsura bago ang paggamit ay yun din dapat pagkatapos gamitin.

Ipapapatupad umano ng DepEd ang tinatawag na “Clean as they Go policy,”

Nais lang umanong masiguro ng departamento na ang pagpapagamit ng venue at pasilidad ay naayon sa Mission at Vision nito.

Ipinagbabawal ang pag- iinom ng alak at paninigarilyo sa bisinidad nito alinsunod sa umiiral na panuntunan ng Civil Service Commission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *