Voter registration sa 5 bayan sa Camarines Norte high tech na

CAMARINES NORTE – High Tech na ang voter registration sa limang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte matapos na ilunsad kamakailan lang ng Commission on Elections ang pagpaparehistro gamit ang mobile registration app.

Ang mga bayan ng Mercedes, Labo, Vinzons, San Lorenzo Ruiz at San Vicente  ay gumagamit na ng mobile registration form app sa voter registration.

Ayon kay Mercedes Municipal Election Officer Emily Basilonia, mas mabilis na ngayon ang pagpaparehistro gamit ang mobile app dahil  hindi na kailangang mag- fill- up ng napakahabang form kumpara dati.

Akma rin ito ngayong panahon ng pandemya dahil maiiwasan ang mass gathering.

Simple lang ang proseso, kailangan lang mag download ng applicant ng mobile app, mag- fill out ng form gamit ang cellphone.

Pag na save na ito ay makaka -generate ng QRCode at ito lang ang ipipiresenta sa opisna ng Comelec para i- scan.

Pagkatapos nito ay magpi- print na ang Comelec ng application form at diretso na biometrics.

Sa pag fill out ng application form ay mayroon na ring instruction kung anong mga dokumento ang dadalhin sa Comelec.

Pilot testing pa lang ito at inaasahang sa susunod na mga araw ay gagawin na rin ito sa iba pang bayan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *