Voter’s ID, hindi requirement sa pagboto sa BSKE 2023

KORONADAL CITY- HINDI requirement ang voter’s ID o anumang valid ID upang makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections 2023.

Ayon kay South Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada na ang mga pangalan ng mga botante ay nasa Election Day Computerized Voters List o EDCVL na siyang magiging batayan ng mga board of election inspectors (BEI).Ang valid ID ayon kay Gerada ay kakailanganin lamang oras na may humamon sa identity ng isang voter.

Ang mga may edad 15 hanggang 17 anyos ay bibigyan ng SK ballot at ang mga may edad 18 hanggang 30 anyos ay makakatanggap naman ng Barangay at SK ballots. Samantala, ang mga 31 anyos pataas naman ay makakatanggap ng isang balota para sa barangay elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *