VP Duterte, nagpasalamat kay PBBM sa patuloy na pagtitiwala sa kaniya

Sa gitna ng lumalalang hidwaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya, pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pananatiling pagtitiwala.

Saad nito sa pinakabagong pahayag, tiniyak ni VP Sara na independent ang kanyang pananaw mula sa paniniwala ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Pinasalamatan rin ng bise presidente si Marcos sa patuloy na pagkakatiwala sa kanya ng Education portfolio sa kanyang Gabinete.

Nakiusap siya sa publiko na igalang ang mga opinyon ng kanyang mga pamilya at sinabing nangunguna sa lahat ang kanyang katapatan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *